CHAPTER 9
Halos magdikitan na ang mga kilay ni Amber nang pumamaywang si Riguel paharap rito. Sa halip na maintimida ang bata, m alditang inilagay rin nito ang isang kamay sa baywang habang ang isa ay bitbit pa rin ang teddy bear.
“Who’s that kid?” Para sa kanya ang tanong ni Riguel.
Gulat na napanganga siya.
“Is she a thug?”
Ngali-ngaling sapukin niya si Riguel. Hindi ba nito nakikita ang sarili kay Amber? Batang bersyon nito ang