CHAPTER 10 (PART 1)
“What are you doing here?” sita agad ni Chelary nang mabungaran niya si Riguel sa labas ng pinto.
“Sinusundo ka.” Matipid ang sagot ni Riguel ngunit pansin niya ang pasimpleng paggala ng paningin nito sa paligid na parang nagmamasid.
“Dito ako matutulog, Riguel. Dito na rin ako uuwi. Ilang taon ko ng hindi nakakasama ang a—look,” bumuntong-hininga siya. Muntikan niya ng mabanggit ang anak. “My Auntie has been in Australia for years. Minsan