CHAPTER 8
Napahikbi si Chelary nang malamang nauwi sa lagnat ang ubo at sipon nito. Tumawag ang kanyang Auntie Marigen na nakita na lang daw nito kaninang umaga si Amber na nagdedeliryo na. At dahil may commercial shoot siya maghapon at agad na nakatulog pagdating sa suite, alas otso na nang gabi niya nabasa na isinugod pala sa hospital ang anak niya kaninang umaga.
Hindi na siya nakapag-isip, basta na siya dumampot ng jacket at pera bago tumalilis ng takbo pababa ng hot