Chapter 4
“Nyak!” sigaw niya nang makitang panty niya ang nakabusal sa bibig ni Alejandro.
Mangiyak-ngiyak na inalis niya iyon at malakas na itinulak ang lalaki palabas ng walk-in closet. Bago pa man ito makapag-protesta ay binagsakan na niya ito ng pinto.
Nag-iinit ang pisngi sa hiya na nasabunutuan niya ang sarili at tumalun-talon na parang baliw.
“Gaga ka, SK. Ba’t mo binusalan ng panty ang bibig ng boss mo?” Sinamaan niya ng tingin ang walang