Chapter 5
Naihilamos ni Alejandro ang sariling palad sa mukha nang mawala sa paningin niya si Sunshine Kisses. Kumaripas ng takbo ang makulit na parang bata dahil lang sa hinalikan niya. Ayaw ba nito sa h alik niya at gusto sa asawa nito?
Magkasalubong pa rin ang mga kilay na dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at pumasok sa loob ng kotse nang makitang si Riguel iyon.
“Bud,” aniya habang ang tingin ay tumuon sa taas ng malaking mansyon—partikular na s