Chapter 3
“How are you?”
Napapikit si Sunshine Kisses nang marinig ang boses ni Floyd sa kabilang linya. Ninamnam niya ang pagtibok ng kanyang puso. Ganon ang reaksyon niya palagi sa tuwing tumatawag ito.
“Ayos lang. May kaunting trouble sa opisina pero na-settle naman agad.” Isa sa mga nakahahangang katangian ni Floyd ay marunong ito magsalita ng iba’t ibang lengwahe.
Last anniversary nila, kinantahan siya nito ng love song in French na bumagay s