Chapter 2
Hindi si Sir Ali ang talagang CEO ng Almeradez Empire kundi ang nakababata nitong kapatid na si Nexus. Pumalit ang lalaki nang maaksidente si Sir Nix at kailangan ng mahabang pahinga.
Nang unang beses nila itong nakilala ay agad nitong nakasundo ang mga emplyedo dahil sa magaan nitong awra. Natatandaan pa niya na parang kandidato itong kumaway sa kanila nang ipinakilala ito ni Chairman Alexander bilang pansamantalang CEO.
Kaya windang silang lahat nang ipinakaladkad nito si Loida sa mga naglalakihang gwardiya ng Empire. Agad nitong tinanggal sa trabaho at nag-utos na huwag papatapakin ang babae kahit sa bukana man lang ng building.
Napayuko siya nang parang may choreography na sabay-sabay na nagsilingon sa kanya ang mga kasamahan nang pumasok siya sa kahabaan ng opisina nila. Hindi niya masisisi ang mga itong makiusyuso dahil tinawag siya ng boss nila na “wife”.
Sinong hindi mawiwindang kung bigla na lang sinabi