Chapter 31
Agad na napakapit si SK sa dulo ng kanyang mesa nang tuluyang lumabas si Alejandro sa kanyang opisina. Nanlalambot ang kanyang tuhod at halos pangapusan ng hininga sa tindi ng tensyon ng malamig at nagbabanta nitong boses.
Sino bang hindi, kung pinagbantaan din nitong papatayin si Brent katulad ni Keith? Tataniman daw ng bala sa ulo—wala na talaga sa katinuan si Almeradez.
Kung hindi pa pumasok si Amelia para tingnan siya ay baka tuluyan na siyang