Chapter 30
“Ma’am SK,” sinitsitan siya ni Amelia nang makita siya nitong papasok sa kanyang opisina. “Bakit ngayon lang po kayo?”
Pasado alas-dyes na kasi ng umaga at kararating niya lang sa opisina. Hindi maganda ang mood niya nang magising kaninang madaling-araw. Parang nasusuka siya na hindi. Gusto sana niyang humilata na lang sa kama maghapon at huwag ng pumasok sa opisina, kaya lang naisip niya ang mga financial reports na hindi pa niya tapos.
“I felt si