Chapter 32
Mabilis niyang naisara ang cabinet nang makarinig siya ng yabag sa labas. Tarantang pinatay niya ang ilaw at nagtago sa gilid ng nakasarang pinto.
She heard Alejandro’s voice outside. Mukhang may kausap ito sa cellphone dahil narinig niyang may tinawag itong sweetheart.
Ngumiwi siya at rumulyo ang mga mata. Paniguradong si Leveyna ang kausap nito sa kabilang linya. Tumatawa-tawa pa na parang aliw na aliw. Sigurado siyang korni naman ang pinagsasabi