Chapter 29
“Come again?” ani Brent nang hindi agad rumehistro sa utak nito ang sinabi niya.
“Buntis ako.”
Napayuko siya, hindi makatingin sa kaibigan. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at pinaglaruan ang steak na nasa harapan. Hiyang-hiya siya sa kaibigan dahil nagpabuntis siya sa lalaking kaaway niya.
“Bubuhayin ko ng mag-isa ang baby ko. I hate the father but I will never hate my child. Mamahalin ko siya katulad ng pagmamahal sa akin ni