Alejandro Almeradez's Story
Chapter 1
8 YEARS AGO, PENSYLVANIA USA…
“Bud, Vasquez called. Nasa kanya na raw ang kopya ng marriage certificate mo.”
Pabagsak na umupo si Gideon sa tabi ni Alejandro na nakaharap sa laptop nito at may kung anong kinukutingting doon.
Ikiniling niya ang ulo para sulyapan ang matalik na kaibigan.
Tumaas ang sulok ng labi nito nang makita kung ano ang pinapanood niya sa laptop. It was the CCTV at the Irancio Mansion.