Chapter 28

Chapter 28

Sa kulay brown na nakamunban nitong buhok natuon ang tingin niya. Bigla-bigla ay parang gusto niyang takbuhin ang kinaroroonan nito at sabunutan ang lalaki dahil sumagi sa utak niya ang eksena kung saan hinaplos iyon ni Leveyna habang nagpapakuha ng picture sa media.

Tanga siya dahil sa halip na kalimutan ang dalawa ay naghanap pa talaga siya ng iba pang balita tungkol kay Leveyna. May mga video clip pa siyang nakita kung saan panay ang hawak ni Leveyna kay Alejandro at ang hudyo naman ay mukhang enjoy na enjoy dahil hindi man lang sinaway ang babae.

Umirap siya at tumalikod na bago pa man siya makita ni Alejandro. Ngunit anong malas ba naman niya dahil bigla na lang may sumulpot na babae mula sa kung saan at tinawag siya.

“Mrs. Tucker?” Anak ng tinapa! Nagsilingon tuloy sa kanya ang mga empleyado pati na rin ang mga board of directors na kausap ni Alejandro.

Kukutusan niya ang babaeng ito! Hindi man lang marunong makiramdam.

Continue lendo este livro gratuitamente
Digitalize o código para baixar o App

Capítulos relacionados

Último capítulo

Explore e leia boas novelas gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de boas novelas no aplicativo BueNovela. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no aplicativo
Digitalize o código para ler no App