Extra Chapter 8
Nakakunot ang noo ni Gideon habang tutok ang kanyang mga mata sa harap ng tablet na hawak-hawak. Nasa Northshire Academy siya ngunit ang atensyon ay nasa Vesarius Airlines. Ni-send sa kanya ni Cleo ang sandamakmak na files na kailangan niyang basahin upang maaprobahan niya na sa susunod na araw.
He should be in his d-mn office at the very moment kung hindi lang nagpapasaway ang panganay niyang anak.
This past months, nagiging sakit sa ulo nila ni Lyzza si Summer. Normal lang naman na nagiging matigas ang ulo nito at pasaway dahil nagsisimula na ang edad nito papunta sa pagiging teenager. She is now nine years old—turning ten this month.
Wala naman problema sa performance nito sa eskwela kaya lang kinakailangan niya talaga itong bantayan dahil madalas tumatakas sa eskwelahan. Kung hindi pupunta sa pinakamalapit na mall para sa shooting games sa arcade, ay sa totoong shooting range ito pumupunta.
Her daughte