Na tila ba parang sinenyasan niya, sabay-sabay na tumango ng ang mga tauhan niya."Oo, oo. Nag-sparring lang sila!""Bakit gustong umatake ng Young Master ng isang royal guard?"“Sa tingin ko po ay isa lang po itong malaking misunderstanding, Princess Angeline.” Sagot ng isa sa mga tauhan; pinaniniwalaan nila ang lahat ng sabihin sakanila.Napangiti si Darryl nang marinig ito. 'Impokrita talaga ‘tong Dennis na ‘to! Naaawa tuloy ako bigla sa commander-in-chief ng garrison sa pagkakaroon ng isang anak na katulad niya,' Sabi niya sa isip niya.Nang minutong yun, naisipan ni Angeline na patapusin na ang mga ito. “Pwede bang wag na kayong magsparing ng ganitong oras?” Pagtapos, tumingin siya kay Darryl at sinabi, “Dumidilim na, bumalik na tayo sa palasyo.”Bilang tugon, tumango si Daryl at doon palang siya nakahinga ng maluwag. Sobrang dami niya ng nasayang na oras dahil sa pagsama niya kay Princess Angeline, at ngayong makakabalik na siya sa misyon niyang maghanap, sobrang saya ni
Ler mais