Kinamot ni Darryl ang kaniyang mga mata habang napanghihinaan ng loob. Bakit kaya ako pinapupunta roon ng Kamahalan nang ganito kaaga? Dito na siya nagmamadaling naghilamos bago magpunta sa main hall.
Agad siyang natigilan nang makarating siya roon. Dito na niya nakitang nakaupo ang Reyna sa trono, makikita sa ilalim nitong nakatayo ang mga mayor ng kanikanilang mga siyudad. Hindi lang iyon dahil nandito rin ngayon sina Dennis at Angeline. Makikitang nakatayo sa harapan ni Dennis ang isang mukh