Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak sa sitwasyon niya ngayon. Masyadong makasarili ang Angeline na ito. Masyado nang late kaya natural lang na bumalik na ito sa kaniyang kuwarto. Sabagay, magiging imposible para sa kahit na sinong royal guard na manatili sa loob ng kuwarto nito.
“Malalim na ang gabi, saka na ako magkukuwento sa iyo. Sabagay, masyado nang delikado ang pinasok ko nang itakas kita sa palasyo ngayong araw,” Nagpapasensya niyang paliwanag kay Angeline. Agad na bumagsak a