Sa oras na makapasok siya sa silid ng reyna, nakaamoy si Darryl ng kaunting halimuyak at naisip ang nangyari noong nakaraang senaryo. Ang saya siguro sa pakiramdam kung hindi lang siya galing sa ibang mundo? Mananatili sana siya ng matagal para matitigan pa lalo ang kagandahan ng reyna. Bumalik siya sa reyalidad, tinampal ang sariling noo, at nasa estado na ng paghahanap sa Holy Jade Scripture. Hindi lamang maluwang ang sillid ng reyna pero sumisigaw din sa karangyaan. Umabot siya ng isang oras upang tingnak ang bawat sulok nito. Gayunpaman, wala siyang nakuha. 'Wala ba rito ang Holy Jade Scripture?' isip ni Darryl bago mapansin ang kaunting umbok sa likod ng ivory na kama. Maliwanag ito at mukha itong tagong lugar. Tumungo agad siya roon, kinatok ito ng walang pag-aalinlangan, at tama nga ang suspisyon niya- talagang may muwang ang pader. Nakita niya ito. Sa sobrang tuwa, bubuksan na sana niya ang tagong pintuan nang isang malutong na boses ang narinig niya sa labas, at ang baba
Leer más