Hindi niya kilala nag lalaking nakatayo sa labas ng bahay nila. May dala itong malaking package.
"Pwede ko bang malaman kung ikaw si Aino Scott?" tanong ng lalaki.
“Hindi, pero ako ang Mommy niya.” sagot ni Sabrina.
“Para kasi sakanya ang package na ito. Galing pa ito sa ibang bansa.”
Package? Mula noong nagbuntis siya, hindi pa siya ulit nag oorder ng kahit ano online. Kadalasan, sina Ruth at Yvonne lang ang nag-oorder ng mga regalo para kay Aino, pero sa tuwing mangyayari yun ay ang mga