Inilabas ni Zayn ang lahat ng nararamdaman niya sa harap ni Hana. Siguro dahil ito lang ang taong pwede niyang paglabasan. Gustuhin niya mang tumakbo kay Sabrina, natatakot din siya na baka mastress ito lalo na ngayon na buntis pa naman ito. Ganun din sa mga magulang niya… alam niya na malulungkot ang mga ito ng sobra kaya talagang kay Hana lang niya pwedeng ilabas ang lahat.
Matapos ang halos kalahating oras na pag iyak, bahagyang kumalma si Zayn. Nahihiya siyang tumingin kay Hana at sinabi,