Samantala, kalmadong sumagot si Sabrina. "Nagpapacheck-up ako! Hindi lang naman siguro mga Ford ang nakakaalam na kailangang magpa check up ng mga buntis, diba? Pumupunta kami ni Sebastian every two weeks kaya hindi niyo na kailangang mag alala.’
"Kung talagang nagpapacheck up ka, bakit hindi mo alam kung lalaki o babae ang magiging apo ko?" tanong ni Sean.
Napakunot-noo si Sabrina. "Kailangan ba malaman? Anuman ang kasarian, anak pa rin namin ito ni Sebastian, at kapatid ni Aino. Hindi ba sa