Nagulat si Zayn nang marinig niya ang naging sagot ni Hector. Bata palang siya, nag iwan na ng masamang impresyon sakanya si Hector at muli itong nabuhay nang makita niya ang naging reaksyon nito.
“Bakit?” Tanong ni Zayn.
“A…ayoko lang siyang istorbohin,” sagot ni Hector.
Tinignan ni Zayn ng diretso sa mga mata si Hector. “Sobrang naapektuhan na si Tessa dahil dito kaya pati ang trabaho niya ay nadadamay na rin. Palagi siyang natatakot kaya hindi siya makapag concentrate kasi kinakabahan s