“May nangyari ba?” Malambing na tanong ni Zayn. “Bakit ka umiiyak?”
“Zayn, magpakatotoo ka nga sa akin…Sobra ba yung ginawa ko kanina?” Tanong ni Tessa.
Hindi nakasagot si Zayn. Sa totoo lang, para sakanya, sobra nga yung ginawa ni Tessa kanina.
Dahil hindi sumagot si Zayn, nagpatuloy si Tessa. “Alam ko naman na karamihan ng ibang tao ay sasabihin sa akin na nanay ko pa rin siya kahit anong mangyari kaya dapat hindi ako ganun kasama sakanya. Pero alam ba nila kung ano ang pinagdaanan ko? Lu