“Kingston,” Tawag ni Sebastian.
“Ano po yun, Master Sebastian?” Alertong sagot ni Kingston.
“Dalhin mo si Aino at itong babae sa sasakyan.”
“Opo, Master Sebastian!”
Bago pa man din bumaba si Sebastian, naikwento na sakanya ni Kingston ang nangyari, at kagaya din ng katayuan ni Zayn, awang awa rin ito sa babaeng nakasalampak sa sahig, pero hindi rin naman sila pwedeng basta-bastang pumanig sa kung kanino dahil hindi rin naman nila alam ang buong kwento kung bakit ganun nalang din kagalit si