“Sige, maghahanap ako ng mairereto ko sayo.” Sagot ni Tessa.
“Gusto ko matured at mayaman ah!”
Natawa si Tessa. “Okay lang ba kahit mga twenty years ang tanda sayo?”
“Okay lang! Mas mature, mas masaya! Bakit? Twelve years naman ang pagitan niyo ni Director Zayn ah kaya hindi rin naman ganun kalayo ang twenty years.”
“Hahaha. Ano ba talagang hanap mo? Daddy o Asawa?”
“Pfft…”
Mukha lang silang nagbibiruan pero seryoso talaga ang mga katrabaho ni Tessa. Totoong naiinggit ang mga ito sakanya