Napalunok si Hector sa sobrang gulat. “Si..sinabi ba sayo ‘to ni Tessa?”
Ngumiti si Zayn at kalmadong sumagot, “Hindi. Diba ikaw din ang nagsabi na eighteen palang yung nanay ni Tessa noong nagkakilala kayo kaya hindi mo pa siya pwedeng pakasalan?”
“Ah, oo tama. Dahil masyado pa siyang bata noon, hindi pa kami pwedeng magpakasal, pero mag asawa naman ang naging turingan naming noon.”
Tumango si Zayn. “Alam ko.” Natigilan siya sandali bago siya nagpatuloy, “Kahit anong mangyari, siya pa rin