Biglang kinilabutan si Tessa nang marinig niya ang boses ng babae. Sabay silang lumingon at kagaya ng inaasahan ni Zayn, ang babaeng sumigaw ay pareho sa babaeng nakita niya sa labas ng Ford Group na nirereto sakanya ni Aino noong isang lingo. Bukod sa mas mukha itong galit ngayon, wala itong pinagbago- maging ang suot nitong damit.
“Ikaw?” Gulat na gulat na tanong ni Zayn.
Hindi pinansin ng babae si Zayn, bagkus, tumingin siya kay Tessa at nakakunot ang noo na sinabi, “Tessa, ang tanda tand