Habang iniisip ang mga posibilidad, galit na galit na kinuha ni Zayn ang kanyang phone para tawagan si Tessa. Sumagot naman ito kaagad at kagaya ng iniisip niya, umiiyak nga ito. “Zayn?”
“Tessa, sabihin mo sa akin, hinarass ka ba ulit ng nanay mo?” Walang paligoy-ligoy na tanong ni Zayn.
“Hindi, Zayn.” Pagtanggi ni Tessa.
“Anong hindi? Eh bakit ka umiiyak?! Magsabi ka sa akin ng totoo, hinarass ka ba niya ulit?”
“Hindi, Zayn. Ako yung tumawag sakanya kasi ayoko ng guluhin niya ako ulit.