Hindi inakala ni Zayn na sobrang liit talaga ng mundo. Biruin mo yun? Si Hector Caven pala ang daddy ni Tessa?
“Kilala mo ba ang daddy ko?” Gulat na gulat na tanong ni Tessa.
Hindi makapag salita si Zayn. Hinding hindi niya makakalimutan si Hector. Dalawang beses na silang nagkita nito at sa parehong pagkakataon ay hindi naging maganda ang engkwentro nila. Noong beses, siguro nasa anim na taong gulang palang siya noon, tahimik siyang naglalaro sa labas nang may biglang nantaboy sakanya at sa