Inis na inis ang babae. “Ano? Hindi mo ba ako narinig? Kahit pa hindi ka umamin, alam ko naman na nasa trenta mahigit ka na. Bakit ka nakikipag date sa mga bata? Ano ka? Pedophile?”
“A…anong pinagsasabi mo? Magkakilala ba tayo?” Pautal-utal na sagot ni Zayn.
Noong oras na yun, nakita ni Zayn ang babae ng mas malapitan. Maputi na ang buhok nito kaya masasabi niya na may edad na talaga ito at base sa bakas ng wrinkles nito, mukhang marami-rami na rin itong pinadaanan sa buhay. Sa malayuan, par