Kabanata 1234
Nagulat si Sabrina. Noong oras na yun, biglang tumahimik ang lahat, kaya kahit na hindi siya naka loudspeaker, rinig na rinig ng lahat ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya.

Tinignan ng masama ni Sebastian si Sabrina habang sina Kelvin at Martin naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Mahigit dalawampung taon nilang magkakasama, normal lang sakanila ang magkaroon ng kaliwa’t-kanang mga babae, pero kahit kailan, hindi pa nila nakita si Sebastian na mainlove ng ganito!

“Sino ‘to?” Tanong ni Sabrina.

“Hindi talaga kita makalimutan at alam ko sa sarili ko na kahit kailan, hinding hindi kita makakalimutan. Ikaw at si Aino. Sabrina, bakit parang ang sama sama ng langit sa akin?”

“Ito ba si…”

Muntik ng masabi ni Sabrina ang hula niya, pero muling nagsalita ang lalaki, “Sabrina, alam mo ba? Galit na galit ako sa sarili ko na para bang gusto kong ibuhos sa lahat ng taong makikita ko.”

Hindi pa man din napoproseso ni Sabrina ang nangyayari, biglang ibinaba ng lalaki ang tawag.

Continue lendo este livro gratuitamente
Digitalize o código para baixar o App
Explore e leia boas novelas gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de boas novelas no aplicativo BueNovela. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no aplicativo
Digitalize o código para ler no App