Mukhang wala talaga silang balak na tigilan si Sebastian.
“Huy, Sebastian, ano na ang nangyari sa reputasyon mong mailap at suplado?”
“Ha ha ha! Hindi ko alam pare pero naawa ako sayo!”
Hindi makapaniwala si Sabrina. Gustong gusto niyang magalit. ‘Eh anong tawag sainyong tatlo? Ikaw, Alex, akala ko ba hinahanap mo si Jane? Bakit nandito ka?’
Pero hindi nalang nagsalita si Sabrina, lalo na noong nakita niyang kalmado lang naman si Sebastian. Ganun naman talaga ang asawa niya…Kahit gaano