Kinaumagahan, sobrang napa sarap ang tulog nina Sabrina at Sebastian dahil sa ginawa nila kagabi. Hindi na nila namalayan na alas nuebe na kaya pagkagising nila ay nagpapanic silang bumangon.
“Diyos ko! Maaga dapat tayong pupunta kay Mommy! Tanghali na!” Nagmamadali silang lumabas ng kwarto, at noong pababa na silam narinig nilang may tumatawa.
“Aunt Yvonne, ang ganda ganda mo naman!” Papuri ni Aino kay Yvonne.
Nagulat si Sabrina. ‘Bakit nandito si Yvone?’ Pagkatapos, narinig niya rin ang b