Hindi nagtagal, nakahanap kaagad sila ng masasakyan, at kagaya nga ng napag usapan, dumiretso sila sa baryo ni Noah, Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating ang mga tauhan ni Alex sa ospital kung nasaan kanina si Jane at hanggat walang utos ng amo nila, hindi sila pwedeng basta-bastang kumilos.
Tinawagan ng lider si Alex, “Master Alex, pinapalibutan na po namin ang buong ospital.”
“Okay. Isa-isahin niyo ang mga kwarto pero siguraduhin niyo na wala kayong maiisytorbong kahit sino. Papunta na