“Yvonne, okay naman si Marcus diba?” Nag aalangang tanong ni Sabrina.
Huminga ng malalim si Yvonne. “Oo, si Marcus mabuting tao, pero yung lolo niya? Hindi. Nakakatawa nga eh kasi ang lakas ng loob niyang mangaral kung ano ang mabuti at hindi, eh siya nga mismo hindi alam kung ano ang konsepto nun. Kahit tatlong taong gulang na bata na mismong dugo’t laman niya pa ha, hindi niya pinalampas, paano pa kaya sa ibang tao, diba? Kahit gaano kabuti ang nagawa mo sakanya, walang utang na loob yung ma