Mas masaya pa si Sabrina na marinig ang boses ni Jane kaysa noong nakita niya ang furniture set na eighteen million ang halaga, kaya mangiyak-ngiyak siyang sumagot, “Jane, nasaan-”
Gustong gusto na sanang itanong ni Sabrina kung nasaan si Jane, pero naalala niya ang sinabi ni Alex sakanya. Kilalang kilala nga nito si Jane… Kahit na nasa thirties na si Jane, sobrang hinhin pa rin nito kaya talagang mahihirapan itong mag isa, at tama nga ang sinabi ni Alex na tatawagan siya nito para mangutang.