Pati sina Yvonne at Ruth, na nakatayo sa tabi nila ay gulat na gulat din.
Pagkatapos magbayad ni Sebastian, tumingin siya kay Sabrina. “Mauna na kayo sa baba para makabili pa kayo ng regalo niyo para sa Mommy mo. Susunod nalang ako.”
“Okay.” Tatalikod na sana si Sabrina nang bigla siyang natigilan noong nakita niya ang lalaking nakaupo sa furniture set na binili ni Sebastian. “Ikaw?!”
Si Alex, na halatang stress na stress na ang itsura. “Um…ako ang may ideya na bilhan ang Mommy mo ng furnit