Pero nang mahimasmasan si Noah, masaya siyang sumagot, “Loko loko ka talaga! Bakit ka naman nahihiyang buntis ka. Sige lang! Tatlo naman tayo eh, kayang kaya nating palakihin ang baby mo, diba?”
“A…yung ex ko kasi…”
“Ayaw mong ipaalam sakanya.”
Umiling si Jane. “Ayokong dalhin ang anak niya, kaya kailangan kong ipalaglag ang batang ‘to…” Nahihiya siyang tumingin kay Noah. Sobrang laki na ng abala niya sa mag ina, kaya sa pagkakataong ito, nilakasan niya na ang loob niya na lubos-lubusin. “No