Nagulat si Sabrina kaya medyo matagal bago siya nakasagot, “Ano yun?”
“Malalaman mo rin pag pumunta ka rito.” Sagot ni Sebastian na may nakakaintrigang tono..
Gusto pa sanang magtanong ni Sabrina pero biglang binaba ni Sebastian ang tawag. Tumingin siya kina Yvonne at Ruth at nahihiyang ngumiti, “Anong nangyayari?”
Hanggang tenga ang ngiti ni Yvonne nang sumagot, “Gusto ka kasing isurprise ng asawa mo. Hindi ko nga maiisip na may pagka romantiko rin pala ang isang kagaya ni Director Ford! T