“Kahit na hindi niya pa naiintindihan, hindi ka ba nahihiya?”
“Kung nahiya ako, hindi ko siya nabuo.” Namula si Avery sa naging sagot ni Elliot. Nagmamadali siyang nagbihis at pumunta sa CR.
Sa baba, nagkwekwentuhan sina Tammy at Layla habang nagmemerienda.
“Ayaw ba akong makita ng Daddy mo? Mula noong dumating ako, hindi na siya lumabas ah.” Asar ni Tammy.
Umiling si Layla. “Siyempre, gusto ka ng Daddy ko! Siguro ponapanuod niya lang si Mommy habang natutulog.”
“Bakit niya pinapanuod? Hi