Nagulat si Avery.
Bakit hindi sumagot si Elliot sa tanong niya?
Noong yayakapin na siya nito, bigla siyang umiwas at tinulak ito, “Bakit hindi mo sinagot yung tanong ko? Kaya mo bang gawin o hindi? Kung hindi, wag mo na akong yakapin.”
Hindi naman sobra yung hinihingi ni Avery, diba?
Ang gusto niya lang naman ay bigyan ni Elliot ng oras ang mga anak nila. Mahirap ba yun? Hindi ba nito kaya?
Kung hindi, bakit pa ito nag anak?!
“Mga anak ko sila kaya siyempre, gagawin ko ang lahat para saka