Biglang kumunot ang noo ni Shea at hinawakan niya nbg dalawang kamay ang braso ni Wesley.
“Sigurado ako na hindi ako papayagan ng kuya ko…Alam niya na kaya kong iligtas si Robert, pero hindi niya ako kinausap… Gusto ko lang namang iligtas talaga si Robert! NAg mamakaawa ako sayo, Wesley!”
Mangiyak-ngiyak ang boses ni Shea. Sobrang nakakawa!
“Kapag namatay ako, pangako ko sayo na papakasalan kita sa susunod na buhay. Ano? Ayos ba yun, Wesley?” Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Wesley