Pinag isipang maigi ni Avery ang desisyon niya.
Hindi naman kumontra si Tammy.
“Sinusuportahan kita, Avery. Kung ako rin naman siguro ang nasa lagay mo, wala rin akong intensyon na maghubad sa harap ng maraming tao para patunayan na hindi ko pusod yun. Wala kang ginawang masama. Pero pwede kang gumawa ng police report. Kaya na nila yan.”
Tumungo si Avery.
Noong gabing yun, naglabas ng statement ang pulisya na nagsasabing ayon sa imbestigasyon, hindi talaga si Avery ang babaeng nasa video a