At dahil nga ganun ang sitwasyon, walang nagawa si Eric kundi ang kumilos ng sarili niya at alalahanin nalang ang magiging reaksyon ni Avery sa oras na malaman nito.
“Huy, hindi naman na ganun kabata si Layla. Kahit na hindi niya malaman ngayon, malalaman at malalaman niya pa rin naman yun balang araw. Hindi mo ba napansin na mas matalino siya sa inaasahan mo?”
“Kahit anong mangyari, bata pa rin siya at hindi pwedeng nakakakita siya ng mga ganung videos.” Hindi matanggap ni Avery ang paliwana