“Nakauwi na ako. Kailan ka free? Magkita tayo.” Sabi ni Avery nang sumagot ang tinawagan niya.
“Bakit natin kailangang magkita?” Gulat na sagot ng kausap niya.
“Akala ko ba interesado ka sa akin? Balita ko nagpunta ka pa raw talaga sa Bridgedale para ipagtanong tanong kung sino ako.” Sarcastic na sagot ni Avery. “Natouch naman ako at dahil dun, ikaw talaga ang una kong tinawagan pagkauwi ko.”
“Tumigil ka nga. Pumunta ako sa Bridgedale para bisitahin yung pamilya ko. Natanong lang kita kasi