Parehong nagulat sina Hayden at Mike!
“Big H….wag mo munang ibenta yan. Sa tingin ko mas lalaki pa yan.” Napalunok nalang si Mike habang pinapaalalahanan si Hayden.
"Okay."
“Wag mo munang sabihin sa Mommy mo ang tungkol dito. Baka himatayin siya kapag nalaman niya ‘to.”
“Isesend ko nalang sayo tapos ikaw ang magsend sakanya.”
“Sige…. Teka kumain muna tayo.” Binuhat ni Mike si Hayden. Pinipilit niyang kumalma pero sa isip-isip niya ay sobrang namangha at nainggit siya rito dahil sa edad niy