Kinuha ni Elliot ang mainit na kape na nasa lamesa niya at uminom. Medyo mapait ang pagkakatimpla nito, hindi nalalayo sa nararamdaman niya.
‘Hindi ito ang unang beses na ginawa ‘to ni Avery. Palagi nalang sarili niya ang iniisip niya. Paano naman ako? Hindi niya ba naisip na nasasaktan din ako? Mula noong mag divorce kami, wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ako.’
Sa elite class sa Central University.
May isang kaklaseng lalaki si Hayden na lumapit sakanya dala-dala ang baon nito.