Narinig ni Avery ang sinabi ni Elliot sa kabilang linya kaya galit na galit niyang sinabi, “Wag mo ng abalahin ang bodyguard mo. Nasaan ka? Ako na ang pupunta.”
Habang naghihintay si Elliot sa ospital, hawak hawak niya pa rin ang phone ni Rosalie. Halos puputok na ang ugat niya sa noo at hindi siya makagalaw sa sobrang galit!
Desidido siya na paaminin si Avery sa pinag usapan nito at ng mommy niya dahil hindi siya papayag na namatay ito ng wala man lang kahit paliwanag!
Nag aalangang lumapit