Dahil sa tanong ni Elliot, biglang kumunot ang noo ni Avery.
‘Anong ibig niyang sabihin? Bakit niya tinatanong kung anong nangyari sa amin ng mommy niya?
‘Hindi sinabi ng Mommy niya sakanya? Bakit hindi niya tanungin?’
‘Nakakapagtaka naman dahil mahigit isang oras na ang nakakalipas, hindi niya pa rin alam?’
Kinuha ni Avery ang isang baso ng tubig na nasa lamesa niya at uminom. Pinilit niyang kumalma.
“Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi ka sa mommy mo magtanong?” Medyo kinukutuban na