Biglang natahimik si Elliot. Hindi niya inakala na ganito pala kasama si Avery.
“Avery, buhay ang pinaguusapan natin dito. Ganyan ka ba talaga kasama?”
“Bakit? Namatay ba ang anak mo?” Huminga ng malalim si Avery. “Siguro tinatawanan ako ni Zoe ngayon no? Sinet up niya ako kapalit ang sarili niyang anak. No wonder kaya hindi mo siya maiwan-iwan.”
Dalawa ang ibig sabihin ni Avery. Bukod sa masama at walang kwentang nanay si Zoe, gusto niyang iparating kay Elliot na magkaparehas ang mga ugali